Ukol sa pangkaraniwang mga mamamayang Tsino ang China Rises: Xiao Sha Documentary. Ipinakikita nito ang buhay ng batang si Xiao Sha, isa sa mga miyembro ng Chinese Junior National Team na nagpapakabihasa para sa darating na Beijing Olympics. Nakatutuwang isipin na sa murang edad ni Xiao Sha kakikitaan ito ng matinding determinasyon at disiplina upang maisakatuparan ang kanyang pangarap sa buhay bilang isang tao, anak at Tsinong may malasakit para sa bansa nito.
Ang mahigit kumulang 7-8 minutong dokumentaryong ito ay nagpapakita ng isang bahagi ng kasalukuyang kalagayan ng Tsina na matinding hinubog ng mayamang kasaysayan nito.